PatrolPH

Mayor sa Basilan na biktima ng pamamaril inilibing na

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2021 12:45 AM

Dinala na sa Basilan ang mga labi ng mayor ng Al-Barka na namatay sa isang insidente ng pamamaril sa Baliwasan Seaside Lunes ng umaga.

Dinala ang mga labi ni Al-Barka Mayor Darussalam Lajid sa Geras Grand Mosque sa Isabela City, Basilan kung saan isinagawa ang isang funeral prayer.

Ayon sa kumuha ng mga larawan na si Abdulhan Salapuddin, pagkatapos ng dasal, inilibing si Lajid sa Barangay Kuhun Lennu sa Al-Barka.

Nagpapagaling pa rin sa ospital ang kanyang kasama na isa ring mayor sa Akbar municipality at isa pang security escort.

Bukod kay Lajid, namatay rin ang driver nito sa insidente. 

- ulat ni Leizel Lacastesantos

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.