PatrolPH

#WalangPasok: Disyembre 8, Pista ng Immaculate Conception

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2020 09:19 AM | Updated as of Dec 07 2020 10:06 AM

MAYNILA - Walang pasok ngayong Martes, Pista ng Immaculate Conception ng Mahal na Birheng Maria, matapos itong ideklarang special non-working holiday ng Pangulo.

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 10966 noong Disyembre 28, 2017.

Bago ito gawing batas, nagsususpinde ng klase ang mga Katolikong paaralan upang obserbahan ang pista.

BALIKAN

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.