PatrolPH

Lalaking nagnakaw umano ng tricycle huli sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2020 12:57 PM

Lalaking nagnakaw umano ng tricycle huli sa Maynila 1
Tinangay umano ng isang 25 anyos na lalaki ang isang tricycle sa Tondo, Maynila. ABS-CBN News

MAYNILA — Arestado ang isang 25 anyos na lalaki matapos tangayin umano ang isang tricycle sa Tondo district sa lungsod na ito, sabi ngayong Lunes ng pulisya.

Sa kuha ng CCTV ng Barangay 160, makikita ang pagkuha ng suspek sa tricycle.

Watch more on iWantTFC

Agad namang nai-report ng tricycle driver ang pangyayari sa mga awtoridad nang mapansing wala na sa harap ng kaniyang bahay ang behikulo.

Matapos i-report, agad naaresto ang suspek na nahuling minamaneho ang tricycle.

Ayon kay Aurea Marie Fernandez, chairperson ng barangay, may mga reklamo na silang natanggap laban sa suspek kaugnay sa pagnanakaw at ilegal na droga.

Kakasuhan ang suspek ng carnapping.

-- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.