PatrolPH

2 lalaki patay sa pamamaril sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2020 01:05 PM

2 lalaki patay sa pamamaril sa Quezon City 1
Natagpuan sa Novaliches, Quezon City noong Disyembre 6, 2020 ang bangkay ng 2 lalaki na mga biktima umano ng pamamaril.

MAYNILA — Patay ang 2 hindi pa nakikilalang lalaki matapos pagbabarilin sa Novaliches, Quezon City, gabi ng Linggo.

Ayon kay Police Lt. Jefferson Tuyo ng Quezon City Police District, nakitang nakahandusay sa kalsada ang 2 biktima matapos pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong suspek.

Watch more on iWantTFC

Itinawag umano ng mga residente ng Barangay Gulod sa pulisya ang pamamaslang.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa motibo at pagkakakilanlan ng mga biktima.

-- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.