P1.6-milyong halaga ng 'kush' mula California, nasabat

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2019 12:52 AM

Kuha ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport

MAYNILA—Nasabat ng mga awtoridad ang isang padala na naglalaman ng P1.6 milyong halaga ng hinihinalang high-grade marijuana sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City nitong Biyernes.

Naaresto rin ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang lalaki na taga-Taguig City na siyang kumuha sa padala na naglalaman ng vacuum-sealed packages na kush.

Idineklara itong comics at child sleeping bag na mula sa California, USA.

Sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10863 o Customs Modernization Tariff Act ang suspek.—May ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News