P1.6-M halaga ng marijuana nasamsam sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2019 02:00 PM

MAYNILA - Nasabat ang nasa P1.6 milyong halaga ng high-grade marijuana o "kush" sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City nitong Sabado.

Idineklara itong naglalaman ng Marvel comic at "child sleeping bag," ayon sa mga awtoridad.

Arestado naman ang consignee ng bagahe sa Taguig City. Mahaharap ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization Tariff Act.

--Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.