Kuha ni Keziah Keren Ambag.
TALACOGON, Agusan del Sur - Nag-top 1 sa teachers board exam noong Septyembre ang isang gradweyt ng Alternative Learning System (ALS) na si Keziah Keren Ambag, ilang taon matapos siyang huminto sa pag-aaral.
Nagtuturo na ngayon sa nursery ng kanyang school ministry si Ambag matapos maging topnotcher sa 2019 Licensure Examination for Teachers (LET).
"Blessed at masaya ako ma'am dahil binigay ng Panginoon ang dinasal ko. Binigay niya ang desire ko at proud din ang aking parents, family, ang aming church na sumusuporta sa akin sa pamamagitan ng dasal," ani Ambag sa katutubong wika.
Huminto si Keziah sa kanyang secondary education matapos piniling tulungan ang kanyang ina sa church school ministry sa Talacogon.
Dito na siya nag-enrol sa ALS, ang alternatibong sistema ng pag-aaral sa bansa para sa mga hindi kaya makapag-aral ng pormal na pangunahing edukasyon sa paaralan.
Nagtapos si Keziah bilang cum laude sa kursong Bachelor of Science in Childhood Education sa Philippine Normal University Mindanao.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Regional news, Tagalog news, Talacogon, Agusan del Sur, teacher, guro, board exam, ALS, LET, Alternative Learning System, Licensure Examination for Teachers