50 babaeng biktima umano ng prostitusyon, nasagip sa QC

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2019 04:49 AM | Updated as of Dec 07 2019 07:33 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA—Nasagip ng mga pulis ang 50 babaeng biktima umano ng prostitusyon sa isang adult entertainment club sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City.

Nilusob ng mga tauhan ng Cubao Police Station ang Lanai Club and KTV matapos magpositibo ang impormasyong natanggap nila tungkol sa ginagawang kalaswaan sa loob ng establisimyento.

Nahuli nila sa akto na may babaeng nagsasayaw ng hubad sa entablado. Meron ding VIP rooms sa ikalawang palapag na merong mga sofa bed.

Isasailalim sa profiling ang mga babae at aalamin kung may kasamang menor de edad. 

Hinuli naman ng mga pulis ang floor manager, cashier at security manager ng club at isasailalim sila sa imbestigasyon.—Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.