Higit 300 kahon ng 'substandard' Christmas lights nasamsam ng DTI

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2018 08:54 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Higit 300 kahon ng "substandard" Christmas lights ang nakumpiska ng Department of Trade and Industry (DTI) nang inspeksiyunin ang isang pamilihan sa Tayuman, Maynila nitong Biyernes.

Paliwanag ng ahensiya, hindi umano ito pasok sa kanilang pamantayan. 

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, walang Import Commodity Clearance (ICC) stickers at Philippine Standard (PS) Mark ang mga kahon ng mga nasabing Christmas lights. 

Kung wala ang isa sa mga ito, ibig sabihin ay hindi dumaan sa testing ang produkto at delikado itong gamitin, ani Castelo 

Natuklasan din ng DTI na peke ang certificate of documentation ng may-ari ng pamilihan. 

Ayon pa kay Castelo, posible pang mauwi sa disgrasya ang paggamit ng ganitong mga ilaw. 

Nahaharap ang may-ari ng Christmas lights at ang may-ari ng tindahan sa mga kasong kriminal, ani Castelo. 

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.