Duterte humirit ng ika-3 extension ng Mindanao martial law

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2018 07:15 PM | Updated as of Dec 08 2018 01:29 AM

Kinumpirma ng Malacañang na pormal nang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso ang pagpapalawig muli ng martial law sa Mindanao, na nakatakda sanang mawalan ng bisa sa pagtatapos ng 2018.

"Tha Palace confirms that the President has requested Congress to approve the further extension of martial law and the suspension of writ of habeas corpus in the whole Mindanao for another year starting next month," ayon sa isang pahayag mula sa Palasyo.

Dagdag nito, nagkaroon ng usad ang pagpuksa sa rebelyon sa Mindanao habang nasa ilalim ito ng martial law.

"With martial law in place, we have achieved substantial progress in addressing the rebellion in Mindanao, as well as promoting the overall security and peace and order situation," paliwanag ng Palasyo.

Unang idineklara ang martial law sa Mindanao noong Mayo 2017 nang magsimula ang pag-atake sa Marawi City ng mga grupong konektado sa teroristang Islamic State.

Kampante si House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na aaprubahan ng mga mambabatas sa Kamara ang naturang hiling ng Pangulo.

"I think we're inclined to grant it... If we can have inputs from people from the ground, mas mapapabilis ang grant ng extension,” ani Andaya.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon naman sa liderato ng Senado, posibleng maisingit nila ang joint session sa Disyembre 12 sa kabila ng budget deliberations.

"The morning of December 12 would be the earliest possible. Sapagkat busy kami sa budget. But again, I also requested that we be given a briefing by the AFP before we even take it up," ani Senate President Tito Sotto.

Ito na ang ikatlong hirit na extension ng martial law sa Mindanao ng gobyerno.

Hulyo 2017 nang unang hilingin ni Duterte sa Kongreso na patagalin hanggang pagtatapos ng 2017 ang martial law.

Sunod itong pinalawig noong Disyembre 2017 para maging epektibo hanggang katapusan ng 2018.

—May ulat nina RG Cruz at Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.