Dating pulis, patay sa pamamaril sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2018 04:51 AM

MAYNILA - Patay ang isang dating pulis matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si PO3 Rodrigo Asuan Jr., 39 anyos, na na-dismiss na sa serbisyo.

Ayon sa paunang ulat ng Manila Police District (MPD), sakay ng kaniyang motorsiklo si Asuan patungong Blumentritt Market para bumili ng itlog para sa kaniyang sari-sari store.

Pagdating sa may Younger St. malapit sa kanto ng Rodriguez St., nilapitan ng 2 lalaking sakay ng motorsiklo si Asuan at saka pinagbabaril hanggang sa matumba.

Dead on the spot si Asuan dahil sa mga tinamong tama ng bala.

Nakuha mula sa crime scene ang 4 na basyo ng kalibre. 45 na baril. Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaslang. - ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.