Dating bise alkalde ng Marilao, ayaw sumuko sa pulisya

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2018 01:14 AM | Updated as of Dec 07 2018 04:53 AM

BULACAN - Patuloy nitong Biyernes ng madaling-araw ang standoff sa pagitan ng pulisya at dating bise alkalde ng Marilao, Bulacan.

Magsisilbi sana ang mga pulis ng warrant of arrest laban kay Andre Santos para sa kasong qualified theft. 

Inilabas ng Parañaque City Regional Trial Court ang warrant na walang inirekomendang piyansa.

Ayon sa pulisya, naging marahas umano si Santos at may dalang baril at granada. 

Hindi na rin ito lumabas sa kaniyang bahay. Nakikipag-usap nalang ito sa mga pulis sa pamamagitan ng telepono.

Sa video call ng mga mamamahayag kay Santos, ipinakita nito ang kaniyang hawak na baril at granada.

Humingi naman ng dispensa ang kamag-anak ni Santos ukol sa insidente. Dumaan daw ito sa depression nang matalo sa halalan noong 2016. - ulat nina Ron Lopez at Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.