MAYNILA - Balisa at halos hindi nakatulog si dating Senador Bong Revilla sa Philippine National Police Custodial Center Huwebes ng gabi, ayon sa maybahay nitong si Bacoor Mayor Lani Mercado.
Ayon kay Mercado, apat na taon at limang buwan silang hirap dahil sa pagkakakulong ni Revilla sa kasong pandarambong.
Nanghihinayang rin siya sa maraming okasyong nalampasan ng mister tulad ng Pasko at graduation ng anak.
Naghain naman ng kandidatura si Revilla para tumakbo muli sa pagka-senador sa halalan sa susunod na taon tulad nina dating senador Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada na kinasuhan rin dahil sa Priority Development Assistance Fund o PDAF na nakasama pa niya sa piitan.
Ayon kay Mercado, kapag nabigyan ulit ng public trust ang kaniyang mister, kahit nakakulong ay tuloy pa rin ang laban ni Revilla.
Kung mapawalang-sala, babalik sa Cavite si Revilla para bisitahin ang kaniyang tatay na nasa ospital.
Sakaling mapatunayan namang na guilty, "bahala na ang Diyos" sa kanila sabi ni Mercado.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Bong Revilla, plunder, sandiganbayan, corruption, amlc, pdaf scam, pork barrel scam, janet napoles, tagalog news