ALAMIN: Mga kukumpunihing kalsada sa Metro Manila, Disyembre 7-10

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2018 04:11 PM

Road repair sa Quezon City noong Agosto. Kuha ni Jonathan Cellona, ABS-CBN News 

Magkakaroon ng road reblocking at repair o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Metro Manila simula gabi ng Biyernes, Disyembre 7, ayon sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). 

Isasagawa ang pagkukumpuni simula alas-11 ng gabi Biyernes, hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Disyembre 10, sa mga sumusunod na kalsada:

 SOUTHBOUND:

  • C-5 Road katabi ng SM Aura (ikalawang lane mula sa median)
  •  EDSA bago mag-Scout Albano, bago mag-Network Drive

NORTHBOUND:

  •  EDSA pagkatapos ng Oliveros St. (ikalawang lane mula sa sidewalk)
  •  Batasan Road malapit sa CSC Central Office (ikaapat na lane mula sa gitna)

Magkakaroon din ng restoration o concreting works sa Commonwealth Ave. malapit sa pedestrian footbridge at malapit sa Jocfer Bldg. at sa may Commonwealth malapit sa N. Zuzuaregui St.

Inabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lugar at dumaan na lamang ng mga alternatibong ruta. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.