7 bahay nasunog sa Cagayan de Oro

Rodulfo Regalado, ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2018 08:10 PM

Pitong bahay ang nasunog sa lungsod ng Cagayan de Oro nitong Biyernes, Disyembre 7, 2018. Rodulfo Regalado, ABS-CBN News

CAGAYAN DE ORO CITY- Tinupok ng apoy ang 7 bahay sa Barangay Puntod dito nitong Biyernes ng hapon.

Unang sumiklab ang apoy sa bahay ng isAng Rocelia Daclag ayon sa paunang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection.

Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil magkakadikit ang mga bahay sa lugar at pawang gawa sa kahoy ang karamihan.

Nahirapan pa ang mga bombero na apulahin ang apoy dahil sa makitid na daan.

Tinatayang aabot ng P600,000 ang halaga ng mga nasunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.