2 suspek patay sa buy-bust sa Cavite City

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2018 08:56 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Patay ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Barangay 28, Cavite City ngayong Biyernes. 

Nanlaban umano sina John Alex Quijano at Christopher Bermudez nang makaramdam na pulis ang kanilang katransaksiyon.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na miyembro pala ng "Scorpion Crime Group" na sangkot sa ilang insidente kamakailan sa siyudad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.