2 patay matapos manlaban umano sa buy-bust sa Caloocan

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2018 06:45 PM

Patay ang dalawang lalaki matapos umanong manlaban sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City nitong Biyernes.

Kinilala ang mga suspek na sina Reggie de Guzman at isang may alyas na Jayson Paguia.

Napansin daw ng mga armadong suspek na bogus ang ipinambayad sa kanilang pera sa nabiling droga ng asset kaya nauna na silang nagpaputok bago magkaarestuhan.

Gumanti ang mga operatiba ng putok hanggang mapatay ang mga suspek.

Apat na sachet ng shabu ang narekober sa mga suspek.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.