Tricycle driver na umawat sa away, patay

Kristine Sabillo, ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2017 05:57 AM

Patay ang isang tricycle driver matapos mabugbog nang tangkaing awatin ang isang away sa Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Joey Arcega, 51-anyos.

Hinahanap na ngayon ng pulisya si Abiger Cruz na umano'y nakaaway ng biktima.

Ayon sa mga nakakita, inaawat lang daw ni Arcega ang away sa pagitan ni Cruz at isa pang tricycle driver dahil umano sa pila.

Nagtamo ng tama sa dibdib at galos sa binti at braso ang biktima. 

Maya-maya, hinimatay si Arcega at agad dinala sa ospital kung saan idineklara siyang dead on arrival. Kasalukuyang iniimbestigahan ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ayon sa pamilya ni Arcega, nagkaaway na daw ang dalawa dahil tumestigo si Arcega laban kay Cruz nang makasuhan ang suspek dahil sa panggugulo sa komunidad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.