P150-K halaga ng 'shabu', nasamsam sa Negros drug bust

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2017 09:00 AM

Walong katao ang inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang buy-bust operation kung saan tinatayang P150,000 halaga ng hinihinalang shabu ang narekober mula sa kanila sa Bacolod City, Miyerkoles ng hapon.

Dinakip ng PDEA ang target nitong si Carlos Sonico III, na umano’y may drug den sa naturang lugar.

Huli din ang kanyang kasamang menor de edad at anim na iba pa na kinilalang sina Kiefer Salmac, Wendyl Sator, Ernie Magbanua, Kerwin Hablero, Wilfredo Diaz at Anthony Cadungo, na pawang bumibisita umano sa drug den na matatagpuan sa Barangay 2.

Karamihan sa kanila ay itinanggi na kasama sila sa ilegal na kalakaran ng droga.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 25 sachets ng hinihinalang shabu.

Inihahanda na ang mga kaso laban sa mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.