Barker, patay matapos saksakin sa QC

Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2017 05:57 AM

Patay ang isang barker ng jeep matapos saksakin ng hindi pa kilalang salarin sa Barangay Commonwealth, Quezon City Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Oswaldo Boquila.

Nangyari ang pananaksak pasado alas-11 ng gabi kung saan nagkakape lang ang biktima sa harap ng isang tindahan.

Ayon sa isang testigo, biglang dumating ang salarin at sinaksak si Boquila sa tiyan. Agad na tumakas ang salarin na nakasuot ng puting tela sa ulo.

Nakuha pang maglakad ni Boquila palayo sa tindahan at humingi ng tulong. Habang naghihintay ng ambulansya, binawian ng buhay ang biktima.

Palaisipan pa sa pulisya ang motibo ng pananaksak. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.