PatrolPH

Sunod-sunod na rollback sa langis, Pamasko para sa ilang tsuper

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2022 04:09 PM

MAYNILA - Maaagang Pamasko para sa ilang jeepney driver ang sunod-sunod na rollback sa presyo ng produktong petrolyo. 

P1.90 ang bawas-presyo sa diesel at P1.95 kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina. 

Malaking tulong ang ilang linggo nang bawas sa presyo dahil kahit papaano umaano lumaki na rin ang kanilang kita. 

"Malaking bagay yan sana tuloy tuloy na. Maagang pamasko yan sa aming namamasada," anang jeepney driver na si Romy Gregorio. 

"Sa tulad naming driver dagdag kita sa amin yan," ayon sa isa pang tsuper na si Ernesto De Guzman. 

Ayon sa mga tsuper, magagamit sa ibang gastusin ang matitipid nila sa krudo. 

Umaasa ang mga driver na tuloy-tuloy na ang mga rollback. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.