PatrolPH

Ginang kritikal, mister patay sa away ng magka-live-in sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2022 05:37 PM

Kritikal ang kondisyon ng isang babae matapos umano itong saksakin ng live-in partner nito sa kanilang bahay sa Barangay Palo Alto sa lungsod ng Calamba, Laguna nitong Lunes ng umaga.

Bandang alas-9 ng umaga nang magkaroon ng pagtatalo ang mag-live in partners dahil umano sa kanilang pinansiyal na problema, batay sa paunang ulat ng Calamba City police.

Humantong ito sa pananaksak ng lalaki gamit ang kutsilyo.

Nakitaan rin ang lalaki ng saksak sa kaniyang dibdib at tiyan.

Isinugod ang dalawa sa isang ospital sa Calamba ngunit idineklarang dead on arrival na ang lalaki. — Ulat ni Ronilo Dagos

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.