PatrolPH

Preso nakatakas mula sa Biliran Provincial Jail

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2021 08:45 PM

Larawan mula Police Regional Office 8
Larawan mula Police Regional Office 8

Nakatakas ang isang inmate mula sa Biliran Provincial Jail sa bayan ng Naval, Lunes ng madaling araw.

Ayon sa impormasyon mula sa Police Regional Office 8, nakatakas ang preso na si Carmelito Abia alas 12:30 ng madaling araw mula sa naturang bilangguan sa Barangay Calumpang.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PRO 8, umakyat sa pader sa likod na bahagi ng kulungan si Abia para makatakas.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang bilanggo.

May kasong rape umano si Abia, na mula sa bayan ng Kawayan, Biliran.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.