PatrolPH

Ilang Pinoy bumibili sa night markets para makatipid sa Christmas shopping

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2020 03:19 PM

Ilang Pinoy bumibili sa night markets para makatipid sa Christmas shopping 1
Eksena sa Pasay Night Market, na dinadayo ng ibang Pinoy para makahanap ng mga mas murang panregalo sa Pasko. ABS-CBN News

Dumayo si Theo Damisa sa night market sa Pasay City para tumingin ng mga panregalong pasok sa P1,000 budget niya.

Sa halip na pera ang ibigay ni Damisa sa mga inaanak, mas makatitipid daw siya kung laruan o damit ang ireregalo dahil may tig-P90 na damit pambata, at P50 na simpleng laruan sa nasabing pamilihan.

Mayroon ding tig-P380 na laruang gumagalaw, gaya ng mga dinosaur na nangingitlog.

Para sa mga tita, nasa P90 naman ang presyo ng mga blouse o ternong short at sando, habang P100 hanggang P150 naman ang mga bestida.

Kung para sa bahay ang gustong ibigay, may bedsheets na tig-P150 hanggang P250, depende sa sukat ng kama. Puwede itong samahan ng mga kumot na P160 hanggang P220.

Mayroon ring mga kurtina na P90 lang per panel.

Ang ladies' bag, tig-P200, at ang underwear, P100 hanggang P120, na complete set na.

Para sa boys, mayroong short pants na nasa P50 hanggang P150, at pantalon na P180.

Pasok din sa budget ang P100 na towel.

Puwede ring magregalo ng backpack na nasa P300 hanggang P450.

May tinda ring mga sapatos na P300 sa adults, at P150 sa mga bata.

Nasa P200 naman ang presyo ng comfy pillows.

Kung malaki-laki ang budget at mahilig sa musika ang nais regaluhan, puwedeng bumili ng gitara na nasa P1,600 hanggang P2,000.

Marami pang puwedeng pagpilian sa Pasay City Night Market na bukas mula alas-5 ng hapon hanggang alas-11 ng gabi.

Hindi rin umano siksikan ang mga mamimili kaya nasusunod ang physical distancing.

Sakaling gutumin sa pamimili, may puto bumbong na nagkakahalagang P70 hanggang P100.

-- Ulat ni Wheng Hidalgo, ABS-CBN News

KAUGNAY NA MGA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.