Van driver patay sa pamamaril sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2019 02:57 PM | Updated as of Dec 06 2019 07:02 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patay ang isang lalaking nagmamaneho ng van matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang salarin na sakay ng motorsiklo sa bayan ng Tiaong, Quezon nitong madaling araw ng Biyernes.

Habang nagtatanong ng direksiyon sa mga tricycle driver sa Punzalan Highway, Barangay Talisay, nilapitan umano ng mga salarin si Michael Baes, 40, at pinagbabaril ito, ayon kay Police Cpl. Joe Manzano, imbestigador ng kaso.

Agad umanong tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang motibo ng krimen pero isa ang love triangle sa mga sinisilip na anggulo.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.