P400,000 halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust sa Bacolod

Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2019 09:26 AM

BACOLOD CITY – Nasa P400,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Vista Alegre, Huwebes ng hapon.
 
Ayon sa impormasyon ng Police Station 3, nakuha nila mula sa mga suspek ang 27 gramo ng shabu na nakalagay sa 8 malalaking sachets.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.