'Buong Cagayan' lubog sa baha, ayon sa gobernador

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2019 12:03 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Suspendido pa rin ang trabaho at klase sa lahat ng antas sa lalawigan ng Cagayan na nananatili pa ring lubog sa tubig baha.

"Mas worse na po ngayon, buong Cagayan na po yung nalubog sa amin," pahayag ni Gov. Manuel Mamba sa panayam sa DZMM Biyernes ng umaga.

Ayon kay Mamba, umabot na sa 12.4 metro na critical level ang Cagayan River na dati rati ay nasa 3 hanggang 4 metro lamang ang lalim.

"Kaya na underwater po dito sa Tuguegarao and all other towns," sabi niya.

Ito rin aniya ang pinakamataas na lebel ng ilog na naranasan nila. 

"Kung hindi hihinto ang mga pag-ulan dyan sa Isabela, Ifugao hanggang dito sa Kalinga, talagang dito ang punta ng tubig ulan," sabi niya.

Grabeng pagbaha rin ang nararanasan ngayon ng mga bayan ng Pamplona, Claveria, Sanchez-Mira at Abulug.

Pinayuhan rin niya ang publiko na ipagpaliban muna ang paglalakbay dahil hindi pa rin madadaanan ang mga kalsada tulad ng national roads papuntang Isabela at Ilocos.

"Kukumpunihin natin pero most places underwater," dagdag niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.