Bayan sa Isabela, isolated dahil sa baha: Gov. Albano

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2019 12:01 PM | Updated as of Dec 06 2019 12:02 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Isang bayan sa probinsiya ng Isabela ang nalubog sa bahang dala ng bagyong Tisoy, ayon kay Gov. Rodito Albano III.

"Medyo isolated yung Sto. Tomas dito sa Northern Isabela. Saka may mga barangay sa Tumauini, Ilagan na lubog pa rin," sabi ni Albano sa panayam sa DZMM Biyernes ng umaga.

May mga residenteng hindi pa rin nakababalik sa kanilang mga binahang bahay at nananatili na lamang sa gilid ng mga kalsada.

Hindi naging mabilis ang paghupa ng baha sa lalawigan lalo pa't nagpakawala ng tubig sa dam Biyernes ng umaga.

"Yung inaasahan naming pag-subside ng tubig dito sa Northern Isabela sana mabilis pero nung nagpakawala yung dam ng alas-7 nung inabisuhan nila medyo nandyan pa rin ang tubig pero passable na lahat ng highways papuntang Tuguegarao.

Inaasahan naman nila ang mga pagbaha pero hindi nila inakalang ganun katagal ang magiging mga pag-ulan lalo na't magkakasunod na dumating ang mga bagyo.

Hiling din nila na magkaroon sila ng dams tulad ng mga naitayo sa Camiguin at Misamis Oriental para masala ang debris na dadaloy kasama ng baha sa downstream areas at mapigilan ang sobrang pinsalang dulot ng pagbaha sa lugar.

Magpapatupad din ng programa ang lokal na pamahalaan kung saan gagamitin bilang silage o pakain sa hayop ang mga pananim na lubog sa baha.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.