Task Force Firecracker, binuo sa Cagayan de Oro

Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2018 07:37 PM

Maaga pa lamang ay bumuo na ng Task Force Firecrackers sa Cagayan de Oro City na magbabantay sa pagbebenta at paggamit ng mga paputok sa Pasko at Bagong Taon. Mark Demayo, ABS-CBN News/file

CAGAYAN DE ORO – Bumuo na ng Task Force Firecracker na pangungunahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa lungsod para bantayan ang pagbebenta at paggamit ng mga paputok sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

Disyembre 16 pa ang napagkasunduan na simula ng pagbebenta ng mga paputok ng aprubadong retailers sa itinalagang lugar sa Rotunda Area, Barangay Nazareth.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, napagkasunduan nila na hindi dapat gumamit ng combustible materials ang retailers sa paggawa ng kanilang stall.

"Dapat hindi gumamit ng combustible materials, dapat hardiflex at i-double wall. Walang kahoy na frames," sabi ni Fire Supt. Richard Arbutante, City Fire Marshall ng CDO.

Bago makapagbenta ay magbibigay din ang BFP ng Fire Safety Inspection Certificate na patunay na pumasa sa kanilang standard ang mga tindahan para maiwasan ang mga insidente gaya ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.