'Shabu lab' sa San Juan sinalakay

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2018 09:28 AM | Updated as of Dec 06 2018 07:40 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Hinalughog ng pulisya ngayong Huwebes ang isang bahay na ginagamit umano bilang shabu laboratory sa North Greenhills subdivision, San Juan. 

Ito'y matapos magsumbong ang mga kapitbahay na may naaamoy silang kemikal mula sa naturang bahay na nirerentahan sa isang lalaki na hindi muna pinangalanan ng pulisya. 

Nahanap sa lugar ang ilang gamit sa paggawa ng droga at isang container ng umano'y papabuo nang high grade shabu. 

Hindi inabutan ng mga awtoridad ang tenant na una nang nagbayad ng renta para sa 8 buwan. 

Umaabot sa P120,000 kada buwan ang renta para sa bahay, ayon sa secretary ng may-ari nito. 

Una nang inaresto ng mga awtoridad sa Pasig nitong nakaraang ang 2 pinaniniwalaang kasabwat ng tenant: ang Korean chemist na si Kim Jeong Hi at kasama nitong si Marvin Yu, na kapwa nahulihan ng nasa P4 milyon na halaga ng shabu at mga gamit sa paggawa ng droga.

Kinumpirma ng 2 na ginagamit bilang shabu laboratory ang sinalakay ng bahay. 

May posibilidad na konektado sa malalaking foreign syndicate ang mga suspek, ayon sa pulisya. 


Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.