Police Chief Espenido, balik Ozamiz City na

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2018 07:34 PM

Police Chief Inspector Jovie Espenido

OZAMIZ CITY - Bumalik na bilang hepe ng pulisya ng lungsod na ito si Police Chief Inspector Jovie Espenido nitong Huwebes.

Mainit siyang sinalubong ng mga residente na may bitbit pa na mga placards at may nakasulat na “Welcome back Sir Chief Jovie Espenido” na nakatayo sa may pintuan at harapan ng police station.

Ayon kay Atty. Jun Fernandez, abogado ni Espenido, galing pa ng Malacañang si Espenido at kinausap ni Pangulong Rodrigo Duterte.

"Noong Lunes pa sana siya darating dito pero ipinatawag pa siya ni Presidente,” ani Fernandez.

Ani Espenido, ipagpapatuloy niya ang pagtugis sa mga may arrest warrant na mga ka-grupo ng mga Parojinog. 

“Tiningnan natin na di masayang ‘yong mga witnesses, mga kaso ‘yong paghanap natin sa apat ‘yong sina Ailon, si Epok, si Jimmy Chan...may kasamahan pa sila na talagang tutugisin pa talaga tatapusin talaga natin ‘to kay ‘yon man sabi ng Presidente din natin,” aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.