MRT nagkaproblema sa daloy ng kuryente

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2018 09:47 PM

MAYNILA - Bahagyang nahinto ang operasyon ng MRT mula North Avenue Station hanggang Cubao Station sa Quezon City nitong Huwebes ng gabi.

Nagkaroon ng power failure o problema sa daloy ng kuryente bandang 7:51 ng gabi, ayon kay Herbert Ocson ng Office of the General Manager ng MRT.

Hindi na pinababa ang pasahero dahil naayos naman agad ang technical glitch makalipas ang 10 minuto.

Paglilinaw ni Ocson, wala sa kontrol ng MRT ang kuryente at nakadepende ito sa Meralco.

Balik normal na ang operasyon ng MRT na may 14 na tren ang tumatakbo na may 17 pagitan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.