Gumuhong kalsada sa Amoranto Street sa QC, nakatiwangwang pa rin

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2018 11:09 AM

Nakatiwangwang pa rin ang bahagi ng kalsada ng Amoranto Street sa Quezon City na gumuho nang dumaan ang 22-wheeler truck na may dalang buhangin. Lyza Aquino, ABS-CBN News

MAYNILA – Hanggang ngayon ay hindi pa rin inuumpisahan ang pagpapakumpuni sa gumuhong bahagi ng kalasada sa Amoranto Street sa Quezon City, mahigit 2 linggo na ang nakalilipas.

Nakalagay pa rin sa paligid ng butas ang concrete barriers mula sa Quezon City District Engineering Office. Wala ring mga equipment para maumpisahan ang pagkumpuni.

Magugunitang Nobyembre 24 nang lumubog ang isang 22-wheeler truck sa bagong gawang kalsada.

Ayon sa truck driver na si Ron Roque, ihahatid sana niya ang kargang buhangin sa Cavite nang mapansin niyang bumagsak ang likurang bahagi ng minamanehong sasakyan.

Sabi naman ni Teresita De Castro, residente sa lugar, ito na ang pangalawang beses na gumuho ang prehong bahagi ng kalsada.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.