Dahil sa flash drive, lalaki 'nabaril' ang anak sa N. Cotabato

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2018 01:56 PM | Updated as of Dec 06 2018 02:29 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Sugatan ang isang lalaki nang aksidente umanong barilin ng kaniyang ama sa Midsayap, North Cotobato.

Nakakulong ngayon ang 68-anyos na si Nisoporo Subang, na nabaril ang anak sa kamay dahil sa alitan sa flash drive.

Ayon kay Midsayap police chief Police Superintendent Joan Maganto, nagbunga umano ang pagtatalo ng mag-ama dahil sa flash drive.

"Noong hindi sila nagkaintindihan, tinutukan. Then nung tinabig ng anak, pumutok po 'yung baril which resulted in doon sa pagtama sa kamay ng anak," ani Maganto.

Kuwento ni Subang, kabibili niya pa lang umano ng USB at pinaglalagyan ng mga kanta para mayroon siyang mapakinggan, pero inalis umano ng anak ang laman kaya sila nagtalo.

Ginagamot sa ospital ang biktima. Depensa ng suspek, aksidente lang umano ang pagkakabaril sa anak.

Hindi nakasuhan ng frustrated parricide si Subang, pero mahaharap sa kasong illegal possession of firearms.

-- Ulat ni Francis Faulve, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.