ALAMIN: Mga kalsadang isasara, sisikip sa Pasig sa Disyembre 7-9

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2018 06:52 PM | Updated as of Dec 06 2018 07:48 PM

Inanunsiyo ng Pasig Public Information Office ang pansamantalang pagsara ng ilang kalsada sa lungsod sa darating na weekend, Disyembre 7 hanggang 9, upang bigyang daan ang ilang pagdiriwang at isang fun run.

Simula ala-1 ng hapon ng Biyernes, Disyembre 7, gagawing one-way ang eastbound lane ng Colonel Flores Street malapit sa Immaculate Conception Cathedral.

Magkakaroon kasi ng variety show ang simbahan bilang paunang pagdiriwang sa pista ng Immaculate Conception sa Sabado, Disyembre 8.

Watch more in iWant or TFC.tv

Simula alas-4 ng hapon naman ng Sabado, inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga sumusunod na kalsada bunsod ng mga aktibidad ng pista ng Immaculate Conception:

  • R. Jabson Street​
  • M.H. Del Pilar Street​
  • Caruncho Avenue
  • Dr. Pilapil Street
  • Dr. Sixto Antonio Avenue
  • A. Mabini Street
  • P. Burgos Street
  • Dr. Garcia Street

Sa Linggo, Disyembre 9, magkakaroon naman ng temporary partial road closure sa gawi ng Asian Development Bank (ADB).

Mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-8 ng umaga ang closure dahil sa fun run ng ADB.

Idaraos naman sa hapon ng Linggo ang taunang Paskotitap ng lungsod.

Dahil dito, pansamantalang isasara ang mga kalsadang dadaanan ng parada, kabilang ang:

  • Ortigas Avenue Extension mula Greenmeadows hanggang Dr. Sixto Antonio Avenue
  • Frontera Verde Road
  • E. Rodriguez Jr. Avenue mula Eagle Street hanggang Ortigas Avenue
  • Eagle Street
  • Dr. Sixto Antonio Avenue
  • Pasig Boulevard
  • A. Mabini Street
  • Plaza Rizal Intersection
  • Caruncho Avenue
  • F. Manalo Street

-- May ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.