2 arestado sa pagbebenta ng pekeng titulo ng lupa

Bianca Dava, ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2018 04:14 PM | Updated as of Dec 06 2018 07:27 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA- Dalawang babae ang arestado Huwebes dahil sa pagbebenta umano ng lupa gamit ang pekeng titulo sa Antipolo City, Rizal.

Nahaharap sa reklamong large scale estafa sina Lilibeth Cruz at Maria Flora Salvador, pawang mga negosyante. Itinuturong utak ng modus operandi si Cruz.

Ayon sa biktimang si alias Nora, nalaman na lang niyang peke ang titulo nang tumungo siya sa Registry of Deeds para sana maglipat ng pangalan ng dokumento.

Una nang nakapagbayad si Nora ng P50,000 at nagdagdag pa ng P100,000 at P48,000 nang humingi ang mga suspek.

Nang hingan pa siya ng karagdagang P400,000, nagsumbong na siya sa mga pulis, na nagkasa naman ng entrapment operation sa pinauupahang bahay sa Antipolo City.

Bukod sa large scale estafa, nahaharap din ang mga suspek sa reklamong falsification of public documents.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.