Health workers nagprotesta dahil sa naantalang bonus

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2017 11:55 AM

MANILA - Sumugod sa tanggapan ng Department of Health, Miyerkoles, ang mga public health workers upang iprotesta ang pagka-antala ng kanilang mga benepisyo, gaya ng performance-based bonus na noong Hunyo pa umano nila dapat natanggap.

Kalahating buwang sweldo ang katumbas ng bonus, ayon kay Sean Herbert Velchez, tagapagsalita ng Alliance of Health Workers (AHW).

Tutol din aniya ang kanilang grupo sa umano'y plano ng gobyerno na ibigay sa mga biktima ng digmaan sa Marawi ang kalahati ng kanilang P25,000 na negotiations incentives ngayong Disyembre.

Umangal din ang AHW sa continuing professional development na dapat nilang gawin para makapag-renew ng lisensya dahil kailangan nilang gumastos ng P50,000 para rito.

Hinarap naman ni Health Secretary Francisco Duque ang mga nagproprotesta at hinikayat silang makipag-dayalogo, bagay na ikinatuwa ng AHW.

Ulat ni Dennis Datu, DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.