Naghahanda na ang Land Transportation Office (LTO) sa mahigpit na pagpapatupad ng batas-trapiko ngayong holiday season.
Paaala ni LTO Assistant Secretary Jose Arthur Tugade, ipinagbabawal ang pagmamaneho nang lasing dahil maaari itong maging sanhi ng aksidente.
Magdedeploy ang naturang ahensiya ng traffic enforcers para magbantay sa mga motorista na posibleng lalabag sa Anti-Drunk and Drugged Driving Law o RA 10586.
Ire-recalibrate na rin umano ang mga breath analyzer para magamit ng enforcers ngayong holiday season sa mga checkpoint.
“Nagde-deploy tayo ng enforcers natin lalo na sa mga lugar na may tendency po ang mga tao na uminom."
"We will be strictly enforcing the Anti-Drunk Driving Law. Sa mga may balak uminom, magdala na lang kayo ng driver para hindi kayo ma-perhuwisyo sa daan,” ani Tugade.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
LTO, Land Transportation Office, Anti-Drunk Driving, holiday season, Pasko, Tagalog news