PatrolPH

P714,000 halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2021 12:42 PM

Larawan mula sa Mabalacat City PNP.
Larawan mula sa Mabalacat City PNP.

Aabot sa P714,000 halaga ng hinihinalang ilegal na droga ang nasabat ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Mabalacat, Pampanga ngayong Linggo ng madaling araw.

Tinatayang nasa 105 gramo ng hinihinalang shabu ang nakuha ng Mabalacat City police sa 43 anyos na suspect na si Alexis Morete mula Madapdap Resettlement ng nasabing siyudad.

“Dati na itong nahuli. Nasa watchlist na rin. Bumalik lang. Upon monitoring natin, syempre, ayun na found out natin na continuous pa rin pala ‘yung kanyang illegal activities niya,” ani Police Lt. Col. Heryl Bruno, hepe ng Mabalacat City police.

Nakumpiska rin sa suspek ang P7,000 buy-bust money, isang cellphone, P1,000, at isang black na zippered pouch.

Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang ang nahuling suspek.

—Ulat nina Anna Cerezo, ABS-CBN News; at Gracie Rutao

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.