Arestado ang dalawang lalaking nakuhanan umano ng hinihinalang marijuana sa Barangay Palanan sa Makati City, hatinggabi ng Linggo.
Nagkakasa ng Oplan Sita ang Palanan Sub Station police nang mamataan ang isang motor na walang plaka.
Hindi umano sinasadyang mailabas ng suspek ang isang glass tube-pipe na may hinihinalang residue ng marijuana, matapos hingin ng pulsiya ang lisensya ng driver ng motor.
Nang ipinagpatuloy ng pulisya ang pag-imbestiga sa gamit ng dalawang lalaki, nakumpiska mula sa backpack ng isang suspek ang mahabang balot na hinihinalang naglalaman ng Marijuana leaves.
Tinatayang humigit kumulang isang kilo ang marijuana leaves at nagkakahalaga ng P125,000.
Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang pangyayari.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.