PatrolPH

500 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Basilan

ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2021 11:47 AM

Aabot sa 500 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumama sa Isabela City, Basilan noong Disyembre 4, 2021. Retrato mula sa DXNO RADYO KOMUNIDAD
Aabot sa 500 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumama sa Isabela City, Basilan noong Disyembre 4, 2021. Retrato mula sa DXNO RADYO KOMUNIDAD

Aabot sa 500 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumama sa Isabela City, Basilan, umaga ng Sabado.

Ayon sa inisyal na ulat ng Basilan provincial government, aabot sa 235 bahay ang natupok sa insidente.

Pinag-aaralan pa umano ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog.

Nanawagan ang lokal na pamahalaan ng Isabela sa publiko na tulungan ang mga biktima ng sunog, na ngayo'y nangangaialngan ng mga damit, pagkain at hygiene kit. 

— Ulat ni Leizel Lacastesantos

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.