Nico Delfin, ABS-CBN News
Nasamsam ng mga pulis ang nasa P5.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na operasyon kontra droga sa Negros Island nitong Miyerkoles.
Unang nahuli ng mga pulis ang isang high-value target sa Bais City, Negros Oriental.
Narekober sa 43 anyos na suspek ang 7 pakete ng umano'y shabu na may halagang P2 milyon.
Samantala, nakuhanan naman ang isang babae ng P3.2 milyong halaga ng umano'y shabu sa Bacolod City, Negros Occidental.
Umabot sa 270 gramo ang droga na nakuha sa loob ng bag ng suspek.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—Ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, Regional news, crime, drugs, shabu, arrest, buy-bust, pusher, peddler, dealer, Negros Occidental, Negros Oriental, Bacolod City, Bais City