Mga residenteng naapektuhan ng bagyong Tisoy hinatiran ng ayuda

ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2019 07:57 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Hinatiran ng tulong ng Lingkod Kapamilya ng ABS-CBN ang mga residente sa Bicol region na naapektuhan ng hambalos ng bagyong Tisoy nitong linggo. 

Kahit nitong Huwebes, hirap pa ring makadaan sa maraming bahagi ng Camarines Sur at Albay dahil sa mga bumalandrang kawad ng kuryente.

Nasira rin ang hilera ng mga bahay sa tabi mismo ng dagat sa Barangay Perlas, sa bayan ng Prieto Diaz sa Sorsogon.
    
Ilan lamang ang mga residente doon sa 100 pamilya na nabigyan ng food packs na may lamang bigas at mga delata bilang paunang tulong ng ABS-CBN.

Pero panawagan nila na matulungan din silang makapagpatayo ulit ng bahay.

Patuloy pang nag-iikot ang ABS-CBN sa Bicol region para makapag-abot ng tulong.

Si Tisoy ang pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa ngayong 2019 at nag-iwan ng 13 patay sa huling tala. 

—Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.