Kagawad patay sa pamamaril sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2019 04:00 PM

Patay ang isang barangay kagawad matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa bayan ng Dueñas, Iloilo.

Natagpuan noong umaga ng Miyerkoles sa kaniyang taniman ang duguang biktima na si Percy Florida, 59, kagawad ng Barangay Bita, ayon kay Police Maj. Gilbert Baldevarona.

Dinala sa ospital si Florida pero binawian din ng buhay dahil sa mga natamong sugat.

Bago maging kagawad, dating chairman ng parehong barangay si Florida.

Inaalam ng pulisya kung may nakaalitan ang biktima.

-- Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.