Bayan sa Northern Samar, isinailalim sa state of calamity

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2019 09:33 AM

Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Gamay sa probinsiya ng Northern Samar.

Ito'y kinumpirma ni Mayor Timoteo Capocquian.

Isa ang bayan ng Gamay sa matinding napinsala sa pananalasa ng Bagyong Tisoy.

Ilang mga barangay ang binaha kung saan apektado ang mga pananim at nasira din ang mga bahay ng mga residente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.