Bangkay ng dalagitang isinilid sa sako, natagpuan sa South Cotabato

Kent Abrigana, ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2019 12:32 AM

BANGA, South Cotabato - Patay na nang matagpuan sa isang irrigation canal sa Purok Silang, Barangay Punong Grande, Banga, South Cotabato ang isang 16 anyos na dalagita nitong Miyerkoles ng hapon.

Nakasuot pa ng uniporme ang biktima nang makita ang katawan nito sa irrigation canal. Nakatali ang dalawang kamay nito nang marekober ng awtoridad.

Ayon sa pulisya, magmula noong Lunes ng hapon ay hindi na nakauwi sa kanilang bahay ang biktima.

Isasailalim sa post-mortem examination ang biktima.

Nag-iimbestiga pa rin ang pulisya sa posibleng motibo sa pagpatay. 

Hustisya naman ang sigaw ng mga kaanak ng biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.