Bangkay ng babaeng walang ulo, natagpuan sa Misamis Oriental

Cecilia Butardo, ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2019 01:31 PM | Updated as of Dec 05 2019 09:34 PM

Watch more in iWantTFC

TALISAYAN, Misamis Oriental – Nakadapa, walang ulo at nakagapos pa ang mga kamay ng bangkay ng isang babae nang matagpuan sa Purok 2, Barangay Punta Santiago, Huwebes ng madaling araw.

Ayon kay Police Captain Maribeth Ramoga, hepe ng Talisayan Municipal Police Station, walang suot pang-itaas ang babae.

Patuloy pa nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima.

Samantala, inaresto naman ng pulisya ang isang 21-anyos na lalaki na umamin umanong pumatay sa biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.