3 umano'y miyembro ng NPA patay sa Antipolo

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2019 11:18 AM

MAYNILA - Patay ang isa umanong commander ng New People's Army at 2 pang kasamahan nito matapos maka-engkuwentro ang pulisya at militar sa Antipolo City, Rizal nitong Huwebes.

Maghahain sana ng arrest warrant ang mga awtoridad laban kay Armando Lazarte alyas Pat Roman na may kasong murder pero nanlaban umano ito, ayon kay Police Brig. Gen. Vicente Danao, regional director ng Calabarzon Police.

Batay sa imbestigesyon, responsable si Lazarte sa pagsusunog ng mga equipment sa Kaliwa Dam project sa Infanta, Quezon at sangkot din sa mga ambush laban sa pulisya sa Baras at Antipolo noong 2018.

Hindi pinangalanan ang mga kasamahan ni Lazarte. Isinugod umano sila sa Amang Rodriguez Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Nakumpiska mula sa tatlo ang samu't saring baril, pampasabog at subersibong mga dokumento.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.