Narekober sa 3 lalaki ang ilang pakete ng hinihinalang shabu sa Barangay Payatas-A, Quezon City.
MAYNILA—Arestado ang 3 lalaki sa buy-bust operation sa Barangay Payatas-A, Quezon City Miyerkoles ng gabi.
Nagbabantay lang umano ng mga hollow block at ibang construction materials si alyas Noel nang pasukin ng mga pulis ang compound nila.
Tatlong lalaki ang inabutan ng mga pulis at nakuhanan sila ng hinihinalang shabu na may halagang P170,000.
Todo tanggi siya na nagbebenta ng shabu.
"Hindi po akin 'yan. Wala po kami ginagawa tapos pumasok sila," ani Noel.
Wala ang may-ari ng bahay na si alyas Jinggoy na dati na ring nahuli ng mga pulis.
"Kinukuha nila sa Manila ang droga tapos dinistribute nila sa mga barangay sa Quezon City," ani Police Lt. Col. Romulus Gadaoni ng Batasan Police Station.
Ang pangunahing suspek sa operasyon na si alyas Jonas ay tikom nang kuhanan ng pahayag.
Ang isang hinuli naman, sinabing nakiki-charge lang siya sa bahay at nadamay lang.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, crime, drugs, buy-bust, arrest, shabu, pusher, peddler, dealer, Barangay Payatas, Quezon City, QC, Umagang Kay Ganda, UKG