5 'scalper' ng UAAP tickets huli sa QC

ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2018 09:49 PM

Naaresto sa Quezon City ang lima umanong scalper na nagbebenta ng mga tiket sa finals game ng UAAP sa pagitan ng Ateneo De Manila University at University of the Philippines.

Naaktuhan umano ng mga nakasibilyang pulis ang lima na nagbebenta ng mga tiket sa presyong mas mataas sa itinakdang presyo, malapit sa Araneta Coliseum kung saan idinaos ang laro.

Idederetso ang lima sa tanggapan ng Quezon City Police District sa Camp Karingal para isailalim sa imbestigasyon.

Bago nito, naglabas ng direktiba si Metro Manila police chief Director Guillermo Eleazar laban sa mga scalper na nananamantala sa basketball game ng UAAP. 

-- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.